On the RH Bill/Pre-Law/Law?? (what is a pre-law even)

Hi. New blog post after such a long time and I’m afraid it’s going to be a political rant. At magtatagalog na lang ako para hindi masyadong nakakahiya ang Pilipinas kung may makabasa mang kung sino nito.

Bale, grabe yung traffic sa may Faura kaninang umaga. Bakit kamo? Dahil sa RH Law. Yung 13++ years nang bill na sa wakas ay naging law na? Hayun. Law na, na-TRO pa. Unconstitutional daw kasi? O kung anumang bwisit na dahilan.

Alam nyo ba kung gano kahirap at kamahal magbuntis? Una sa lahat, tataba ka ng bongga. Pangalawa, stretch marks. Kung isa ka sa mga mapalad na nilalang na ang balat ay immune sa stretch marks, napakaswerte mo. Kung hindi, magdusa ka.

Every 2 weeks na check up kapag malayo ka pa sa due date mo, every week kapag malapit na. 600 pesos kada check-up, may libre or mura naman, pero mamamatay ka muna sa pagpila. Yung vitamins, nasa mga 1500 kada-buwan. Yung panganganak, swerte ka kapag normal. E kung caesarian? Tapos yung baby, magkano ang gatas, diaper, vaccine, at kung ano-ano pa? Tapos, babalik ka pa sa gynecologist mo para sa pap smear, tapos reresetahan ka ng pills or injectables or kung ano mang gusto mo. Panibagong gastos.

Pagdaan namin kanina sa may Supreme Court, may dalawang kampo na nagbabangayan: yung pro-RH at anti-RH. Syempre kampi ako dun sa pro-RH, at dahil rant post ito, ang topic eh yung mga anti-RH.

Yung mga taong anti-RH, gustung-gusto na tinatawag yung mga sarili nilang “pro-life.”

Sus. Sinong niloko nyo? Di naman pro-life ang pagtutol sa RH Law. Pro-life kayo kasi ayaw nyo ng condom? Pro-life kayo kasi yang mga hayup na contraceptives na yan e abortion din yan.

O sige na nga, payag na ako sa argument nyo. Protect the sanctity of life. Yeheeeeees. Ang banal.

O e ano nang mangyayari kapag naipanganak na yang mga pinoprotektahan nyong buhay? Salot na ng lipunan ang tawag nyo? Palalabasin nyo ng simbahan kasi mabaho? Iiwasan nyo sa daan kasi nanakawan lang kayo? Di nyo bibigyan ng limos kasi ipangshashabu lang nila?

Pag naging pulitiko kayo, nanakawin nyo yung mga tax nila para makapagpatayo ng mansion at makabili ng BMW niyo? Magtatayo kayo ng Catholic school tapos ginto yung tuition fee?

Kung talagang ang dami daming pro life sa bansang to, bakit ang hirap hirap pa rin ng buhay?

Sana kasi yang mga pro-life na yan e totoong pro-life. Hindi naman kayo pro-life e. Sa katotohanan, pro-birth lang kayo. Pro-faux morality. Pro-uneducation. Pro-inaccessible reproductive health. Anti-quality life.

Sa dinami-dami ng debate dyan sa hayup na RH Law na yan, namimiss na yung whole point nya. Ang point lang naman nyan e maging accessible para sa lahat yung reproductive health. Para ma-advise-an at maeducate yung mga tao ng tama.  RH services na accessible para sa lahat, actually, optional pa nga yan for most private hospitals. Sex education para sa mga public schools, and again, optional for private schools.

Kung ayaw mo naman ng mga yan, di ka naman pipiliin e. Ayaw mo e di wag mo! Pero hindi ibig sabihin nun, irerestrict mo yung access ng iba. Napakasama na ng ugali mo nun. Siguro, kung lalaki ang nagbubuntis, ang tagal tagal na nitong na-approve. But then again, that’s a different issue.