Tricycle Blues

Ayaw kong sumasakay sa loob ng tricycle, dun ako sa “back ride” parati. At lagi lagi na lang akong tinatanong ng mga driver at ng mga tao kung bakit ayaw ko sa loob with a tone indicating na mas maaliwalas ang buhay dun sa loob. Kaya eto, gagawa ako ng blog post na magdedefend ng likod ng tricycle.

  1. Hindi nyo ba napapansin na ang instinct ng mga bata na sasakay ng tricycle e ang magpaunahan sa back ride? Oo. Ganun na nga. Mas masaya kasi talaga sa likod. Miski mga bata, alam ang katotohanan na yun.
  2. Ayaw ko talaga ng may katabi sa tryke. Parang awa nyo na. Yung mga tricycle dito sa Villamor, mahilig magpuno. Sa likod, less yung chances na may makakatabi ako kasi nga, lahat sila, gusto sa loob. Diba? Swerte mo kung yung makakatabi mo sa loob e flight attendant na naka-Dolce & Gabbana Light Blue, e kung hindi? Sa cramped na space na yun, good luck na lang sa ilong mo.
  3. Kung nasa likod ka, may makatabi ka mang hindi kaaya-aya, okay lang! Magfocus ka na lang sa daan at since open air yun, marami ka pang mas malinis na hanging pwedeng langhapin.
  4. Ayaw ko nga ng may katabi, diba? Kasi kung nasa loob ka, tas may biglang sumakay, edi nasiksik ka na paloob. Imagine-in mo muna. E pano kung mauuna kang bumaba tas yung katabi, wala man lang kahit konting courtesy sa buto at hindi man lang bumaba kasi nga ang sikip-sikip? Para kang nagpapakamatay nun. Untog untog at sangkatutak na scratch sa binti at braso abot mo. No, thanks. E kung nasa likod ka? Kahit may katabi ka, hindi hassle bumaba!
  5. Lagi talaga akong nauuntog pero never pa ako nauntog sa back ride.
Akala ko maraming advantages yung back ride pero yan lang pala. Sige, bye na. Pag nakaisip pa ko, ieedit ko na lang to.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s